Loading
Romantic Poetry: ' ' PAG-IBIG' '
Romantic Poetry: ' ' PAG-IBIG' ' by: Jose Corazon de Jesus
1 Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha Kaya wala kang Mabasa kahit isa mang talata Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata; Tumanda ka’t nagkaubaan, hindi mo pa maunawa.
2 Ang Pag-ibig, isipin mo, pag-iisip, nasa-puso! Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyoy naglalaho; Layuan mo at kaylungkot, nananaghoy ang pagsuyo!
3 Ang Pag-ibig na dakila’y ayaw nang matagalán, Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman, Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan, At ang ilog kung bumaha, tandan mo’t minsan lamang.
4 Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos, Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaano’d, Pati dangal, yamat dunong nalulunod sa pag-irog!
5 Ang Pag-ibig na buko pa’y nakikinig pasa aral, Tandang di pa umibig, nakikita pa ang ilaw, Ngunit kapag nag-aala na pati mundoy nalimutan Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo’t puso lamang!
6 Kapag ikaw’y umuurong sa sakunat sa panganib Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip: Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umibig Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!
7 Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag; Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak; Ang Pag-ibig ay masakitin at aayaw ng kabiyak; O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!
8 Ako’y hindi makasulat at Nanay ay nakabantay! Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal! Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay, Minamahal na niya nang higit sa kanyang buhay!
9 Kayong mga Kabataang pag-ibig ang ninanais, Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid, Kapag kayo’y umibig na, hahanapin ang panganib, At pakpak Ninyoy masusunog sa pag-ibig!
Isang aklat na puti, ang isinulat ay luha Kaya wala kang mabasa kahit isang talata
Kinabisado at inisip mula pagkabata; Tumanda ka't pumuti ang buhok, hindi mo pa rin maintindihan. Ang pag-ibig, isipin mo, ay nasa puso! Kapag nasa puso, nasa isip, kaya't hindi mo maunawaan.
Kapag nilapitan mo ng matagal, nawawala ang pagmamahal; Kapag nilayuan mo, malungkot, ang pagmamahal ay umiiyak! Ang dakilang pag-ibig ay ayaw ng matagal, Parang kidlat na gumuhit sa pisngi ng dilim,
Ang halik na ubos-tindi, minsan lang mangyari, At ang ilog kapag bumaha, tandaan mo't minsan lang. Ang duwag na pag-ibig ay payapa't walang agos, Walang talon, walang baha, walang luha, walang lungkot.
Ang matapang na pag-ibig ay ang puso ang inaapaw, Pati dangal, yaman, dunong nalulunod sa pagmamahal! Ang batang pag-ibig ay nakikinig sa aral, Tanda ng hindi pa nagmamahal, nakikita pa ang liwanag,
Ngunit kapag nag-aala na, pati mundo'y nalilimutan Iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang! Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna at panganib Ay maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang iyong pag-ibig, hindi ka pa nagmamahal Kapag nagmahal, pati hukay aariin mong langit! Ang pag-ibig ay may mata, hindi bulag; Ang marunong magmahal, bawat sugat ay bulaklak;
Ang pag-ibig ay masakitin at ayaw ng kabiyak; O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat! Ako'y hindi makasulat at ang nanay ay nakabantay! Asahan mo, kaibigan ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay, Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay! Kayong mga kabataang pag-ibig ang hinahangad, Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,
Kapag kayo'y nagmahal na, hahanapin ang panganib, At ang inyong pakpak ay masusunog sa pag-ibig!